Hahahaha...
- Me: mum I want that samsung galaxy note 8.0..
- Mum: lahat na lang ng makita mo sa commercial eh noh?
Yesterday I had my scheduled interview at BDO Makati at 9:00 am. I go with my uncle since he has an appointment at PNG embassy which is along that area lang din naman. We left at exactly 5:00 am para daw maaga kami at makapag relax din ako! 5:15 am nasa Plaridel pa lang kami, walang bus, walang FX pero may jeepney. Uncle said na maaga pa naman daw kaya we’ll go to the bus stop at Pulilan kaso from Plaridel to Pulilan it took 15 mins considering na wala pang 1km yung distance non, 5:30 am nagaabang pa din kami ng bus. Puro kasi cubao, eh ang kailangan namin Pasay para hindi na kami mag transfer sa ibang bus. 5:40 am we decided na mag Cubao na lang instead of waiting for the bus na Pasay we’ll transfer na lang daw pagdating sa Cubao. Good thing hindi ako/kami nakatayo sa bus (first time) usually kasi standing ovation ako sa bus especially kung Monday! Ang haba ng byahe kasi instead of Pulilan toll Plaza nag Tabang pa kami, eh diba nga traffic sa may boundary ng Pulilan and Plaridel. Since mahaba pa naman yung time ko I decided to take a snap muna, leaning on my uncle’s shoulder makes me feel comfortable. -.-
Nagising ako kasi nagtanong yung kundoktor kung may bababa sa Caloocan, I browsed the internet na lang para pampawala ng kaba (interview eh!). Ang smooth ng takbo nung bus siguro 30 kph lang speed namin nun then sa right side ng bus (the side where I was sitting) may red na car na mabilis yung takbo, maybe in hurry? Hindi ko alam na mag’oovertake pala sa bus na sinasakyan namin yung red car na yun. The bus driver didn’t notice the car and he lose control and that was it, the major heart attack ko! Nag try yung driver na iwasan yung car nag swing yung bus left and right tapos muntik na humampas yung bus sa center aisle pero ang galing mag balance nung driver kasi hindi naman natumba yung bus but we are all in shock. Uncle immediately grab me mula pa lang nung mawalan ng control yung driver and me I was holding my chest taking a deep breath and avoiding myself to palpitate. What an instant roller coaster ride? Mali naman kasi yung car eh, may right lane para sa overtaking at wala sya dun isa pa ang pagoovertake ay from left going right (tama ba?).

uncle has a nicer shot! :(
Uncle: “Ano kaya mo pa mag’pa interview?”
Me: “Nong, badluck!” :(
Kahit na nasa loob pa kami ng NLEX non, naitransfer naman kami ng maayos nung driver sa another bus right after nila ma’check kung may injured ba. Thanks God talaga! Kahit na bad sign yung nangyari We’re all safe pa din and moving on. Cubao pa din yung nalipatan namin na bus kaya nagtransfer kami sa isa pa ulit na bus tapos nung mapansin ni tito na hindi na ako aabot sa interview ko nag’MRT na kami tapos taxi hanggang sa location nung interview ko. Swerte pa din talaga ako kasi at exactly 8:52 am (time nung nag’log ako. Hehe!) nasa reception area ako ng BDO! Yun lang ang haggard ko tignan.. >.<
THANK YOU LORD!
P.S. #1 “Yung nangyaari sa interview at result non sakin na lang yon..” :)
P.S. #2 “20 nga pala yung date kahapon! JRV” <3